A strong mix of good and bad
| |
Grace Villas
![]() Links
Instagram:@graceevillas
|
Sunday, January 9, 2011, 4:28 PM
Gusto ko na sabihin.
"Ma, kame na." Pero natatakot pa ko. :| Ang alam pa lang kasi nila, nanliligaw pa din si M. Alam ko magagalit sakin si Mama. Ineexpect ko na yun. Ngayon pa't medyo nakakahalata na siya. Alam ko naman na alam na niya, hinihintay lang niyang aminin ko. Feeling ko pag sinabi ko sa kanya, magkakaroon kame ng gap. Ang bigat sa pakiramdam. Tiwala lang naman eh. Yun lang. Wala akong balak gawin yung mga maling naiisip ni mama pag nagkaroon na ko ng boyfriend. Alam ko yun. Alam ko at nakikita ko ang mga pwedeng mangyari. Wala naman akong balak sirain image ko. Ako pa, eh sobrang arte ko kaya. Alam ko naman natatakot lang din si mama na mapabayaan ko pagaaral ko. Sinasabi niya na hindi na daw niya ko nakikitang nagrereview man lang o nagbubukas ng notes. Imposible. Nagaaral ako ng mabuti ma, pinipilit ko magaral sa course na ginusto niyo. At lalong hindi ko hahayaan na mapabayaan ko yun dahil lang sa pakikipagboyfriend. No way. Madami din naman akong gustong gawin sa buhay. Alam ko kung anong tama at mali. Hindi ko naman ilalagay sarili ko sa sitwasyong alam kong ikapapabaya ko eh. It's a matter of prioritizing and balancing. Sabi niya, enjoyin ko muna daw pagkadalaga ko. Eto na, ineenjoy ko na nga. Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag nagboyfriend na, eh magaasawa na ko agad. Walang-wala pa sa isip ko yan. Oo, hindi naman natin masasabi yung pwedeng mangyari. Pero ako, mataas ang respeto ko sa sarili ko at sa inyo. Family & Studies pa din ang number 1priority ko. Nung una pa lang naman nakwkwento ko na siya sa inyo. Nakita niyo din naman dati na ang lungkot ko. Alam niyo din naman na gusto ko siya. At inaasar niyo pa ko dati na broken-hearted ako. Nafefeel ko naman na si **** talaga gusto niyo para sakin. Pero hindi talaga eh. Naging magaan talaga loob ko ky M eh. Inspiration lang naman, ma. Yun lang naman gusto ko eh. Tiwala. :| Ayoko nung patago. Gusto ko na talaga malaman niyo. Kame na. Labels: :|, Family, LOVE, M, Mom |