A strong mix of good and bad
| |
Grace Villas
![]() Links
Instagram:@graceevillas
|
Monday, August 26, 2013, 9:44 PM
TAMA NA. SOBRA NA.
Kamusta kayong mga nasa pulitika? Kayong mga nagpapakasasa sa yaman na hindi dapat sainyo mapunta. Kayong mga taong walang konsensya. Paano kayo nakakatulog kung alam niyong ang perang ninanakaw niyo ay dapat napupunta sa mga proyektong dapat isakatuparan at mga taong nangangailangan? Paano niyo naatim kunin ang hindi naman sa inyo ngayong dapat kayo ang nagsisilbing magandang impluwensya sa aming mga Pilipino? Ha? Anong nangyari sa salitang integridad, moral at responsibilidad? Bakit niyo yan ginagawa? Bakit kayo naglilitis ng mga taong may sala kung kayo din naman ay di hamak na mas may sala? Paano niyo nagagawang paglaruan ang damdamin ng mga taong walang kamalay malay sa lahat ng kabalbalan ng pilit niyong ginagawa? Paano? Anong nararamdaman niyo kung may mga taong lumapit sa inyo at nanghihingi ng tulong? Anong nararamdaman niyo tuwing nakikita niyo ang mga estudyanteng ng mga pampublikong paaralan na nagpapakahirap pumasok sa eskwelahan kahit walang suot na sapatos at kapos sa libro at panulat? Paano niyo nagagawang magpakasaya ngayong alam niyong isa kayo sa mga dahilan kung bakit hindi umunlad unlad ang ating lipunan? Diba dapat kayo ang tumutulong magangat ng bayan? Diba dapat tulong tulungan tayo? Bakit? Wala ba kayong mga pakiramdam? Bakit niyo kame niloloko? Para saan ang kasinungalingan at katiwalian? Hindi niyo ba naiisip kung gaano namin gustong umunlad kahit hirap na hirap na kameng magtrabaho sa pagbabakasakaling makaipon at magkaron ng magandang kinabukasan? Hindi niyo ba ramdam ang paghihirap ng isang trabahador o empleyado? Akala namin sa mga proyekto ng bansa napupunta ang tax na sinisingil niyo samin? Bakit naging ganun? Bakit sa inyo napupunta? Nasan na ang para sa pondo ng edukasyon? Eh yung sa pabahay at pagayos ng kalsada at tren? Bakit sa inyo napupunta? Akala namin malinis ang intensyon niyo? Ang sabi niyo samin, sabay sabay tayong uunlad tungo sa kaunlaran? Ano na ang nangayayari sa atin? Akala namin tulungan? Bakit naging gatungan? At mas lalong bakit naging nakawan? Ganyan ba kayo pinalaki ng magulang niyo? Para magnakaw?
Hindi niyo siguro ramdam kung gaano kahirap magtrabaho sa pagaasam na balang araw, magkakaroon din ng masaganang buhay. Kayong mga boss ng gobyerno, tulungan naman tayo. Huwag naman ganito. Lahat tayo gustong umunlad. Gawin naman natin sa malinis na paraan. Buksan niyo naman ang puso at isipan niyo. Alam niyong mali yan, tama? Bakit niyo ginagawa? Lahat tayo may pagkukulang. Tama na. Parang awa niyo na. Huwag naman kayong magbingi bingihan. Hindi kame naging maramot. Ibinibigay namin ang akala naming makakatulong sa ating bansa sa pamamagitan ng pagkayod namin sa araw araw. Dati, wala akong pakialam. Ngayon, ramdam ko na. Ramdam ko na kung ano ang pilit na dinadaing ng bayan. Maawa kayo sa amin at huwag magpakasasa sa yamang pilit niyong inaangkin.
Labels: pork barrel |