A strong mix of good and bad
| |
Grace Villas
![]() Links
Instagram:@graceevillas
|
Friday, April 22, 2011, 10:08 PM
Everything happens for a reason
Humingi ako ng break para makapagisip-isip muna. Parang may kulang at sumobra na kasi. Sa part ko, nagkulang. Sa kanya? Sumobra. Feeling ko masyado na siyang naging attached sakin na hindi ko na mapantayan yung mga ginagawa niya. Hindi ako sanay. Nasanay akong binabalewala, pinapabayaan gawin kung anong gusto ko. Nahihiya ako sa kanya. Hindi ko maexpress ng mabuti yung gusto kong sabihin. Sinanay niya kong andyan lang siya palagi na kahit magaway kame, hindi niya ko ibbreak. Ang sama ko. Nagtake advantage ako sa nararamdaman niya. Hindi ko sinasadya. :( Siya lang yung naging boyfriend kong nagpahalaga sakin ng sobra. Everytime may problema at ako ang nagsimula, ako pa ang may ganang magalit. Lagi ko na lang inuunahan ng galit kahit hindi ko pa pinapakinggan side niya. Sobrang taas na ng pride ko. Kahit ako yung talagang mali, siya pa yung palaging umaako ng kasalanan para lang magkaayos kame. Ni minsan hindi siya nagsabing ayoko na or tama na. Hindi niya ko ginive-up kahit lagi kong sinasabi na tigilan na muna namin 'to. Kahit hanggang ngayon. :( Bakit ang bilis bilis kong sumuko? Hindi ko na maintindihan sarili ko. Kung kailan dumating na yung lalaking nagpapahalaga sakin ng sobra sobra, ngayon pa ko naging ganito. :| We've only just started, the worst is yet to come. I'm speaking based on relationships that last for years. Gusto ko maabot yung ganun. Gusto kong magmature. Pero hindi mangyayari yun hangga't ganito pa din ugali ko sa relationship namin. Malamang mangyari at mangyari na naman ulit 'to pag hindi ko nabago. At baka sa huli, bumaliktad na lahat, siya na ang mangiwan. Sobrang swerte ko na kung tutuusin. Naging kame ng lalaking hiniling ko nang hindi ko ineexpect. Nagkaroon ng boyfriend na sobrang nagpapahalaga sakin at ramdam na ramdam ko yun. Magiging okay din kame in time. Mahal na mahal ko siya sobra. I assure him na pag okay na lahat, things will all get better. Sana lang pag okay na lahat, andyan pa din siya. :'( I'll see you soon. "I believe that everything happens for a reason...and sometimes good things fall apart so better things can fall together." — Marilyn Monroe Labels: I'll miss you miguel. i love you :( |