A strong mix of good and bad
Grace Villas

I blog when i usually have something interesting in mind, or when there's something interesting about my personal life. But most of the time, i talk and talk and talk. ☺

Links

Instagram:@graceevillas
Twitter:@graceevillas

graceevillas@gmail.com



Theme created by vehemency
Modified by yours truly

tumblr hit counter

Saturday, March 26, 2011, 10:22 PM
Happy 3 months, Boyfriend :>

Nung una, hindi ko inisip na magkakaroon ng pagkakataon na magkakilala kame. Paulit-ulit ko pa yang sinasabi. Nagkakasalubong sa campus, walang pansinan, walang pakialam sa isa't isa. Hanggang tingin nga lang ako sakanya eh. Every time na nakikita ko siya sa campus, lagi kong sinasabi, "Ikaw talaga crush ko. :">" Kilig. Sobrang kilig. Laging ganyan nafifeel ko pag nakikita ko siya. Kahit pa may girlfriend pa siya that time. I remember, lagi ko pa ngang sinasabi sa mga friends ko noon na ang swerte ng girlfriend niya. Ewan ko ba. Na-love at first sight kasi ata talaga ako. Inaasar pa ko nila ko dati kung pano daw if ever maging kame. Malabo eh. Yan lang lagi kong iniisip. Hanggang sa pinakilala siya ng friend ko. Alam mo yung feeling na parang matatae ka na sa sobrang saya? Yun yon eh. Haha. 

Lahat ng nangyari na naging experience ko related sa kanya, nilagay ko dito sa blog ko. Dati, akala ko mauuwi na naman sa wala lahat ng yun. Dumating kasi yung time na feeling ko parang naging cold na sa isa't isa. Akala ko katulad na naman ng dati, na bigla na lang mawawala lahat. Nasaktan pa nga ako nung naisip ko yun. Pero hindi pala. Sobrang wala sa plano lahat ng nangyari samin. Ni hindi ko naisip na maging kame dahil alam ko naman noon na masaya siya. Lahat ng 'to hindi ko inexpect at sobrang wala akong pinagsisisihan.

Swerte ko. :-) Sa totoo lang, dati pinangarap kong magkaroon ng boyfriend na mapapakilala ko sa parents ko. Tapos yung makakasama mong magsimba every Sunday.Yung feeling na hindi ka na magaalala na baka magalit sila pag nalaman nila.  Siya lang talaga yung pinakilala ko ng walang pagaalinlangan. Sa kanya lang ako naging sobrang kompartable sa lahat ng bagay. Sa kanya ko lang nalabas yung tunay kong ugali ng walang ilang. Gusto ko lang maranasan yung feeling na hindi lang kayo magboyfriend-girlfriend, gusto ko yung at the same time, magbestfriends kayo. Ang swerte ko kasi lahat ng yan nangyari nung dumating siya.

Hindi naman ako mahilig sa mga material things, gusto ko lang talaga ung lalaking ma-effort. Ayoko ng dinadaan sa roses, chocolates or whatsoever. Gusto ko yung mafifeel ko yung sincerity. Siya lang nagpafeel sakin ng lahat ng gusto kong mafeel sa isang relationship. Pag may away or tampuhan, hindi niya kayang hindi gumawa ng way para magkaayos kame. Hindi siya nahihiyang gumawa ng mga bagay para lang sakin. Ang sarap sa feeling. :">

December 25, 2010 :> 3 months na kame as of today. Feeling ko 1 year na. :)) Hanggang ngayon, feeling ko nililigawan niya pa din ako kasi hindi pa din nawawala yug kilig na naramadaman ko simula nung una ko siyang nakita.

Kahit pa sabihin ng iba na parang ang bilis ng storya naming dalawa, pero para sakin lahat nangyari hindi ko pinlano at sa lahat ng yun, napatunayan namin yung totoo. Napatunayan kong worth it lahat ng ginawa niya simula nung umpisa. Kahit pa may sumira o magsabi na hindi kame tatagal at masasaktan lang ako sa huli, wala akong pakialam. Handa naman ako sa kung anong mangyari. Kasi alam ko naman na mahal niya ko at mahal na mahal ko siya. ;-)



From the dimples to the smile,
from your heart all the way to mine.


Boyfriend, kahit pa sabihin mong ang panget mo dito, para sakin always kang gwapo. Haha.
I LOVE YOU!
Thank you sa sweetness, sa pagpapatawa sakin ng sobra, sa love.
THANK YOUUUUU :">
HAPPY 3 YEARS! ESTE MONTHS. HAHAHA.
I LOVE YOU SO MUCH! 


PS: I'm actually feeling the vibes of the song You're still the one by Shania Twain while writing this post. Heehee. Feeling ko years na eh. Arte ko. Hahaha. Kbyeeegottagomua

Labels: , , , , ,