A strong mix of good and bad
Grace Villas

I blog when i usually have something interesting in mind, or when there's something interesting about my personal life. But most of the time, i talk and talk and talk. ☺

Links

Instagram:@graceevillas
Twitter:@graceevillas

graceevillas@gmail.com



Theme created by vehemency
Modified by yours truly

tumblr hit counter

Monday, February 14, 2011, 9:59 PM
IN A COMPLETE FUCKED-UP SITUATION

Bakit ganon? Diba dapat masaya ang araw ko ngayon? :'(

Ang sakit lang. Anong mararamdaman mo kung ikaw yung ilagay ko sa sitwasyon natin kanina? Sana man lang inisip mo mararamdaman ko bago mo ko patuluyin diba. Alam mo yun? At isa pa, time dapat natin ngayon dba? Eh bakit ganon? Sige, given na past is past. Pero hello?? Sinong tangang makakatiis ng ganun? Sana man lang sinabi nung una pa lang na andun ex mo dba, you should have given me warning in the first place. Wala akong kaalam-alam na andun siya. Sinabi mo lang nung nakarating na tayo dun. WTF? AKWARD. Sana man lang naisip mo na ganyan mafifeel ko. Sana man lang hindi mo na ko pinatuloy sa inyo diba. OKAY, so given na din na close siya ng family mo. Wala na din naman ako magagawa dun kung napalapit talaga siya sa inyo. Iconsider na din natin na talagang "FRIENDS" lang kayo or whatsoever. Hindi ako against sa friendship niyo. Alam ko at naiintindihan ko yun. Ang sakin lang, sana sinabihan mo ko. Sana hindi mo na lang ako pinatuloy. Para hindi ako nagmukhang tanga sa kung anong dapat kon ikilos. Sa tingin mo, kung sayo ko gawin yon anong mararamdaman mo? Sabihin na natin na hindi magiging ganun reaction mo kung mangyari sayo un. Pero sana maisip mo na magkaiba tayo ng nararamdaman. At alam na alam mong nung una pa lang hindi na tayo okay diba? Sana naisip mo na baka lalo lang tayong hindi magkasundo sa nangyari. Nasaktan lang ako. Kahit pa isipin kong MAGKAIBIGAN na lang talaga kayo, hindi mo maaalis sakin na magisip nang hindi maganda. Unang una, may nakaraan kayo, pangalawa, nagtagal kayo diba? Pangatlo, malapit na siya sa family mo. So anong laban ko diba? Walang wala naman ako kumpara sa pinagdaanan niyo dati. Halos matunaw ako sa kahihiyan. Sinabi ko na lang na masama pakiramdam ko kaya uuwi na ko. Pero sana naman nakiramdam ka sa mararamdaman ko diba? Buti pa mommy mo, tinanong kung okay lang or kung galit ako. Sa totoo lang lalo lang sumama pakiramdam ko sa nangyari. Sa nangyari kanina, malamang tingin na nila sakin masama. Sorry ha? Di ko kayang magtiis sa ganong sitwasyon eh. And isa pa, hindi ko inexpect na andun siya. Grabe ka magduda sakin na nakikipagusap ako kay ***, eh hindi naman naging kame and simula pa lang nung una hindi ko na siya kinausap para lang hindi ka magalit. Sige nga, eh kung naging close kaya ng family ko si *** at nagkataon na nagpunta siya sa bahay tapos dumating tayo, anong mafifeel mo? Sa nangyari kanina, ako pa ngayon ang dapat magduda. SALAMAT HA? GANDA NG SURPRISE MO. SOBRANG NASURPRISE AKO. SALAMAT. :'(

Thank you sa efforts and sa material things na ginawa mo. Hindi ako nagexpect ng kahit anong bagay from you pero nageffort ka pa din magbigay. Thank you. Wala akong ginawa kung hindi umiyak while reading your letter. Feeling ko habang binabasa ko yun, wala na din kwenta dahil sa nangyari kanina. Sana nga lahat ng sinabi mo sa letter totoo. Ako kasi yung tipo ng girlfriend na hindi nagsasabi kung nagseselos na ba ako or what. GUSTO KONG IKAW MISMO ANG MAKIRAMDAM. Kung alam mo lang kung ano pakiramdam ko ngayon. Ang sakit eh. :'(





Labels: , , ,