A strong mix of good and bad
| |
Grace Villas
![]() Links
Instagram:@graceevillas
|
Tuesday, November 30, 2010, 8:42 PM
Guitar Lessons
Namimiss ko na yung cute kong pink na gitara! :D Kailangan ko na ulit matuto tumugtog ng gitara tulad dati. Pinapagaralan ko na nga ngayon yung Panalangin by Moonstar88. Last last year kasi binilhan ako ng sarili kong gitara. Birthday gift ko yun. Sobrang gusto ko kasi talaga matuto lalong lalo na before. Natatandaan ko pa noon, yung natutunan kong kanta, Because of you ni Neyo. :)) Bumili pa ko ng mga song hits tsaka yung mga pang-beginner na guitar lessons na libro. At nanunuod pa ko nun lagi ng mga guitar tutorials sa youtube. Haha! Pero hindi ko na makita ulit yung mga gamit kong yun. :| Yung gitara ko pa ngayon napabayaan ko na. Nagsawa kasi ako agad eh. Nahihirapan kasi ako sa strumming eh. Wala kasi nagturo sakin. :)) Tapos natanggal pa yung ibang strings. Huhu. Kailangan ko ng bumili at matuto talaga. This coming sunday, magpapaturo ako sa friend ko tugtugin yung Just the way you are. Pero female version. Yun kasi yung naisip kong piece para kung sakali man na matuloy na talaga ko dun sa Mr. & Ms. CAS ( College of Arts & Sciences) sa school, yun na lang gagawin kong talent. PWAHAHA! Para maiba naman diba. Gusto ko tumugtog. :) Kasi naman binigay na ng president ng class yug names namin ng classmate kong guy na rep din ng section namin. Eh hello! Nahihiya ako. Baka mapahiya lang Psy02 dahil sakin. Parang gusto ko tuloy magback-out. :( =)))) I WISH MATUTO NA ULIT AKO. :-) |